-- Advertisements --

NAGA CITY-Nakumpiska ang halos ₱200,000 na halaga ng ilegal na droga sa Mauban, Quezon.

Kinilala ang suspek na si alyas Myra, 34 anyos, residente ng Brgy. Lual Barrio ng nabanggit na bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office, nag-iimplement aniya ang Mauban Municipal Police Station ng warrant of arrest sa asawa ni alyas Myra nang inatake nito ang operating team, rason upang arestuhin ito.

Nang kapkapan ang suspek, nakuha dito ang 13 pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, na may bigat aniya na humigit-kumulang 8.8 grams, at nagkakahalaga ng ₱179,520.

Dahil dito, dinala na ang suspek sa Mauban Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.