Halos 1,400 pulis ang ipinakalat sa buong Metro Manila ngayong panahon ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa mga tatakbo sa 2025 elections ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ayon kay NCRPO chief Jose Melencio Nartatez Jr., 1,389 personnel ang ide-deploy mula Oktubre 1 hanggang 8 para sa COC filing.
Titiyakin aniya nilang magiging maayos at walang aberya ang COC filing period.
Ipapakalat ang mga tauhan ng NCRPO sa lahat ng itinalagang lokasyon para sa filing, kabilang ang mga tanggapan ng Comelec at iba pang pangunahing lugar.
Inatasan na din ni Nartatez ang mga district director na magtalaga ng mga tauhan para sa crowd control at traffic management at mag-set up ng mga help desk para tulungan ang mga kandidato at ang publiko.