-- Advertisements --

Nasa halos 1,000 katao na ang inaresto sa Russia dahil sa pagsasagawa ng kilos protesta sa iba’t-ibang bahagi ng nasabing bansa.

Sa Moscow pa lamang ay umabot na sa mahigit 330 katao ang kanilang ikinulong.

Kinokondina ng mga Russian protesters ang ginawa ng kanilang sundalo na paglusob sa Ukraine.

Nagsagawa rin ng kilos protesta sa iba’t-ibang mga bansa kung saan nagtitipon-tipon ang mga ito sa harap ng Russian Embassy.

Binalaan din ng Russian government ang mga mamamayan nila na huwag magsagawa ng kilos protesta dahil sa hindi sila magdadalawang isip na arestuhin ang mga ito.