-- Advertisements --
Halos pang isang linggong ulan ang bumuhos sa Northern Luzon dahil sa ulang dala ng bagyong Ineng.
Ayon sa ulat ng Pagasa, pumalo sa 471.8 mm ang naitala sa Laoag City, Ilocos Norte sa loob lamang ng isang araw.
Nabatid na nasa 60 mm hanggang 80 mm lang ang normal na ulan para sa isang lugar ngunit lagpas pa rito ang naranasan sa nasabing probinsya.
Naitala rin ang malakas na ulan sa Sinait, Ilocos Sur; Aparri, Cagayan; Baguio City; Calayan, Cagayan; Iba, Zambales; Coron, Palawan; Subic at Sangley Point sa Cavite.
Maliban sa outer rainband ng tropical storm Ineng, nagdala rin ng ulan ang hanging habagat sa malaking parte ng Luzon.