-- Advertisements --

Nakatanggap muli ang bansa ng nasa halos isang milyong doses ng COVID-19 vaccines mula sa kompanyang Pfizer.

Pasado alas-8:00 kagabi ng dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang 976,950 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.

Aabot na sa mahigit 100-million na COVID-19 vaccine ang kabuuang natanggap na ng gobyerno.

Sinalubong ito ni vaccine czar Carlito Galvez Jr at ilang mga opisyal ng Department of Health.

Sa nasabing bilang ay posibleng mapataas na ang dami ng mga mababakunahan sa bawat araw.

Sa buwan pa kasi ng Nobyembre ay inaasahan ang pagdating ng karagdagang 25 milyong doses ng COVID-19 vaccines.