-- Advertisements --
Halos isang milyong doses ng Pfizer BioNTech COVID-19 vaccine ang natanggap ng bansa.
Lumapag kagabi sa Ninoy Aquino International Airport ang mahigit 973,000 doses ng COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno.
Sinabi ni Assistant Secretary Wilben Mayor ang namumuno sa National Task Force Strategic Communications sub-task group na ilalaan ang nasabing bakuna sa mga menor-de-edad.
Pormal kasing sisimulan sa malaking bahagi ng National Capital Region ang pagpapabakuna sa mga menor-de-edad sa Nobyembre 3.
Inaasahan pa ng gobyerno na mayroong darating na mahigit 1.5 milyon doses ng AstraZeneca-Oxford COVID-19 vaccines ngayong araw.