ILOILO CITY – Umaabot sa halos isang milyong piso na halaga ng shabu ang nasabat kasabay ng isinagawang drug buy bust operation sa Western Visayas.
Ang suspek ay si Jun Diestro o mas kilala na si alias Kas/Ingke, 44, residente ng Brgy. Don Esteban, Lapuz, Iloilo City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Pol. Lt. Col. Mark Anthony Darroca, chief ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) Region 6, sinabi nito na isang high value target drug personality si Diestro.
Ito ay nahulihan ng 120 gramo ng illegal na droga na may market value na P816,000 at nakuhanan rin ng buy bust money at mga sachet ng shabu.
Si Diestro ay kulong na sa La Paz Police Station at nahaharap sa kasong paglabag RA 9165 o Comprehesive Dangerous Drugs Act of 2022.