Iniulat ng Department of Health na papalo na sa isang milyong mga bata sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang nabakunahan na kontra tigdas.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH at Bangsamoro Minister of Health noong Abril 17, 2024, lumalabas na umabot na sa 72% o 981,805 na mga kabataang may edad na anim na buwan hanggang 10 taong gulang ang nabakuhana na laban sa nasabing sakit.
Ang lalawigan ng Maguindanao del Norte ang nakapagtala ng pinakamataas na vaccine coverage na nasa 233,310 o 91.2%, sinundan ito ng Sulu na may 229,960 mga batang nabakunahan o 89.5%, at Maguindanao del Sur na nakapagtala naman ng 190,217 na nabakunahan o katumbas ng 81.8%.
Sabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa, bahagi ito ng dedikasyon, at commitment ng kagawaran para sa tiyakin ang kalusugan at kapakanan ng atin mga kababayan, partikular na sa mga kabataan.
Magugunita na una nang sinabing Bangsamoro government na inaasahan nito ang mas pagpapalawig pa sa vaccination effort kontra tigas upang maiwasan na magkaroon ng outbreak ng nasabing sakit sa kanilang rehiyon.