-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nananatili pa rin sa evacuation centers ang halos 1 milyong mga residente matapos ang pananalasa ng Bagyo Nanmadol sa Japan.
Ayon kay Bombo Josel Palma, international correspondent sa Japan si Nanmadol ang isa sa mga pinakamalakas na bagyo na tumama sa bansa.
Umaabot naman sa apat na katao ang namatay at higit 100 ang sugatan matapos ang pag-landfall ng bagyo sa southern island ng Kyushu.
Nagbabala rin ang mga rescue workers sa mudslides at pagbaha matapos ang pananalasa ng bagyo.
Sa ngayon naging low-pressure tropical storm na lang si Nanmadol at nasa North Pacific Ocean.