-- Advertisements --

ILOILO CITY – Halos 10 estudyante ng Iloilo City National High School sa Molo, Iloilo City ang sinaniban umano nga masamang espiritu.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay alyas Christine, 12, isa sa mga sinaniban, sinabi nito na nakita niya ang isang batang lalaki na nakabitin sa puno ng sampalok sa loob ng school campus.

Ayon kay Christine, naramdaman umano nito na ginapos ng kadena ang kanyang kamay upang kunin ang kanyang kaluluwa.

Inihayag din ni Christine na sinaniban siya ng ama ng bata upang makamit ang hustisya sa pagkamatay ng biktima.

Ayon naman kay alyas Barbie, 14, isa rin sa mga nasaniban, may tatlong bata na nagbanta sa kanya.

Nakita ni Barbie na nakasuot ng makalumang uniporme ang tatlong bata na humihingi ng hustisya sa kanilang pagkamatay.

Pagkatapos ng prayer healing, nakaramdam naman ang mga biktima ng panghihina ng katawan.

Samantala, inihayag naman ng classroom adviser na si Ma’am Juliet na nagsisilbing bahay ng espiritu ang isang cabinet na nasa loob ng kanilang classroom.

Ayon pa kay Ms. Juliet, kung minsan ay nakakaramdam sila ng malamig na ihip ng hangin at biglang pagsara ng pintuan.