Nasa 9,140 katao ang inilikas mula sa dalawang rehiyon sa Luzon dahil sa mga pag-ulan dulot ng bagyong Pepito.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal sinabi nito, na wala namang idinulot na mga major untoward incident matapos mag-landfall ang bagyong Pepito kagabi.
Si “Pepito” ay nagdulot umano ng malakawang pagbaha at landslide sa ilang bahagi ng Central Luzon at Calabarzon.
Ayon kay Timbal sa datos ng NDRRMC nasa 335 na mga indibidwal ang inilikas sa probinsiya ng Aurora na kasalukuyang tumutuloy sa 13 evacuation centers.
Habang nasa 8,840 naman ang inilikas sa Region 4A Calabarzon dahil sa mga naitalang pagbaha at landslide kung saan kasalukuyang nasa 22 evacuation centers ang mga ito.
Sinabi pa ni Timbal nagkaroon din ng pagbaha sa Pampanga partikular sa Macandol at Macabebe.
Nakapagtala rin ng landslide sa Louissiana, Laguna; General Luna sa Quezon; Catanawan, Lopez,Quezon; Padre Burgos at Ginayangan, Quezon.
May naitala ring pagguho ng lupa sa bahagi ng national highway sa Sitio Omon, Brgy San Isidro, Ilaya, General Luna, Quezon.