-- Advertisements --
image 550

Plano raw ng Department of Education (DepEd) na mag-hire ng nasa 9,650 na karagdagang guro ngayong taon.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, sa ngayon daw ay nagpapatuloy na ang kanilang isinasagawang hiring process.

Muling iginiit ni Poa na ang kakulangan ng mga guro at mga silid aralan ay patuloy na nagiging long-standing problem ng DepEd.

Dahil dito, mayroon daw dalawang tracks na ginagawa ang Education department para matugunan ang naturang problema.

Isa umano rito ay ang traditional o ang pagpapatayo ng classrooms at ang pag-hire ng karagdagang mga guro.

Habang ang isang track na ine-explore daw sa ngayon ng kagawaran ay ang pag-maximize sa technology na available.

Kabilang na rin daw dito ang pagkonsidera kung puwedeng magamit ang technology para sa karagdagang learning resources at ma-institutionalize ang blended learning.