KORONADAL CITY- Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pagtagilid ng isang pampasaherong bus sa bayan ng Ezperanza, Sultan Kudarat.
Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Pol Corporal Harlem Caro, Desk officer ng Ezperanza PNP, ipinahayag nito na galing sa General Santos City ang isa unit ng Husky Bus at papuntang Cotabato City ng mawalan umano ng balanse at tumagilid sa kahabaan ng Brgy New Tarlac sa bayan ng Ezperenza at nahulog sa creek.
Mabuti na lamang at mababaw ang creek kaya’t hindi gaanong napinsala ang bus.
Ayon kay Caro, 9 sa mga pasahero nito ang naitalang sugatan matapos ang insidente.
Kaugnay nito, ipinasiguro din ng kompanya ang tulong sa mga biktima na nagtamo ng iba’t ibang sugat sa kanilang katawan.