Ipinagmalaki ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) napanatili nila ang kanilang momentun laban sa teroristang Abu Sayyaf at iba pang local terrorist groups na nag-ooperate sa buong bansa.
Sa datos na inilabas ng AFP nasa 68 ASG members na ang napatay sa operasyon ng militar ngayong taon habang nasa 128 members naman ang sumuko o nagbalik loob sa gobyerno.
Sa kampanya naman laban sa Local Terrorist Group (LTGs) kabilang ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) nasa 31 terorista ang nasawi, 184 ang sumuko at 22 naman ang naaresto ng mga government forces.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay, sa impormasyon mula sa ground units nasa 156 firearms at 10 Improvised Explosive Device (IEDs) ang isinuko ng mga sumukong terorista.
Ang pinaka huli dito ay ang pagsuko ng 15 ASG members sa Sulu kung saan dalawa dito ay mga sub-leaders.
Ayon 1101st Infantry Brigade ang nag-facilitate sa pagsuko nina ASG sub-leaders Alvin Yusop at Arab Puti at ng kanilang mga followers.
Sumuko din sa militar ang tatlong ASG members na sangkot sa Kidnap for Ransom activities sa Tawi-Tawi.
Nakilala ang tatlong sumukong bandido na sina: Alsadi Hanain bitbit ang kaniyang M1 Garand rifle; Bennaser Pae bitbit ang kaniyang M16A1 rifle and ammunition at Ugali Alimudin bitbit nito ang kaniyang M14 rifle with magazine and ammunition.
Nasa 36 ASG members naman ang sumuko sa 4th Marine Brigade sa Omar, Sulu nuong December 4 bibit ang kanilang 11 armas.
“We are currently satisfied with how our troops are continuing our offensives against the ASG, but this does not mean we’re letting our guards down against them or other local terrorists,” pahayag ni Gen. Gapay.
Kabilang sa mga major accomplishments ng militar sa Maguindanao ay ang pag-aresto ng 40th Infantry Battalion sa pitong miyembro ng BIFF sa Datu Hoffer, Maguindanao.
Nakumpiska sa kanilang posisyon ang 2 M1 Garand rifles, 1 M14 rifle, at isang M4 rifle.
Nakasagupa din ng mga sundalo ang mga teroristang BIFF sa Sharif Aguak.
Napigilan naman ng 11th Mechanized Company ang tangkang pag-atake ng grupo ni BIFF-Karialan Faction sa ilalim ng grupo ng isang “Diok”.
Nakasagupa naman ng 6th Infantry Division ang mga teroristang BIFF sa Datu Piang.
Nasa 31 members ng Daesh-Inspired Maute Group ang nahuli sa ikinasang combat operations ng militar, 35 naman ang sumuko habang lima ang nahuli sa operasyon ng military mula January 2020.
Nais kasi ni AFP chief na panatilihin ang momentum ng militar sa pagtugis sa mga teroristang Abu Sayyaf at BIFF, Daulah Islamiyah sa kabila ng nararanasang Covid-19 pandemic.
“We will stop at nothing to keep our fellow Filipinos safe and secure from the despicable acts of terrorism and violent extremism. Your AFP, hand in hand with other government agencies, stakeholders and local government units shall continue to unite to ensure the downfall of local terrorist groups threatening our peace,” dagdag pa ni Gapay.