-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Matagumpay na naibalik sa karagatan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol ang nasa 95 atchlings sa Cagmanaba, Oas, Albay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ancy Lawenco, tagapagsalita ng DENR-Bicol, sabay-sabay na dinala sa baybayin ng nasabing barangay ang mga batang pawikan matapos ang dalawang buwan na pag-aalaga ng ahensya.

Ayon kay Lawenco, malaking bagay ang hakbang upang muling maparami ang bilang ng mga pawikan na itinuturing na endagered species o malapit nang maubos ang lahi.

Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal sa mga residente na agad na ipagbigay-alam sa ahensya ang mga natutuklasang itlog ng pawikan upang mapangalagaan lalo pa’t nasa 1% lamang ang nagtatagal sa mga ito.

Napag-alaman na bahagi ng protected area ang baybayin ng barangay na itinuturing na nesting site ng mga pawikan