Sumampa na sa halos 100,000 katao ang apektado ng pananalasa ng bagyong “Julian” sa 3 rehiyon sa northern Luzon.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development Asec. at spokesperson Irene Dumlao na sa datos mula sa kanilang disaster response management, mahigit 29,000 pamilya o mahigit siyamnapu’t siyam na libong katao ang naapektuhan ng bagyo sa tatlong daan at labing-isang brgy. sa regions 1, 2, at cordillera administrative region.
Apat na raan at limang pamilya o mahigit isanlibo at dalawandaang indibidwal naman ang nananatili sa limampu’t walong evacuation centers.
Nakikipagtulungan na ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan upang patuloy na mahatiran ng tulong ang mga apektadong residente.
Nakikipag-ugnayan na rin ito sa Office of Civil Defense upang magamit ang air at naval assets ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang marespondehan lalo na ang mga pinaka-lubhang sinalanta ng bagyo sa region 2 partikular sa cagayan at batanes.