-- Advertisements --
medico results

Umaabot sa 93,243 na mga kababayan nating kapus-palad sa iba’t ibang panig ng bansa ang panibagong natulungan kasunod ng taunang Bombo Medico ng Bombo Radyo Philippines.

Ang naturang bilang ay nahigitan pa at nataasan ang mga natulungan sa isinagawa ring Bombo Medico noong nakalipas na taon.

medico koronadal 1

Una rito, sabay-sabay na isinagawa ang Bombo Medico 2019 kahapon ng araw ng Linggo sa 24 na mga pangunahing lugar sa Pilipinas na mayroong Bombo Radyo at Star FM stations kung saan ang Bombo Medico ay namahagi ng libreng gamot para sa mga may karamdaman, libreng bunot ng ipin at marami pang mas pinalawak na mga serbisyo at paglilingkod sa ating mga kapuspalad na kababayan.

Ang isinagawang Bombo Medico 2019 ay kasunod nang ika-53 taong anibersaryo nang pagkakatatag ng Bombo Radyo Philippines noong taong 1966.

Liban sa 33,967 na nabigyan ng serbisyong medikal, nasa 9,926 naman ang naka-avail ng dental services, 14,500 para naman sa optikal, habang nasa 34,850 din ang nakatanggap ng iba pang libreng serbisyo, tulad pamimigay ng dentures, hearing aids, arm prosthetics, wheelchairs, crutches, reading glasses, kasama na rin ang libreng tuli, x-ray, ecg, massage, haircut, HIV testing, cataract screening, blood sugar testing, prostate screening at pati na rin minor surgery sa mga bukol, harelip at cleft palate at hernia.

medico iloilo
Bombo Medico 2019 in Iloilo

Mayroon ding legal services, feeding program, iba’t ibang lectures sa kalusugan na sinabayan ng pagbibigay ng dental kits, libro, tsinelas at marami pang iba.

Sa katatapos na Bombo Medico 2019 umaabot sa record breaking din sa P22 milyon na halaga ng mga medisina at iba pang health products ang ipinamigay sa mga nangailangan ng tulong sa gamot kasama na rito ang mga dental patients.

tuguegarao medico 1

Humigit kumulang naman sa P47 milyon na katumbas na halaga ng libreng konsulta, bunot ng ngipin at iba pang mga serbisyo tulad ng supplies, other goods and cost of services ang ibinigay ng libre sa pamamagitan ng mga espesiyalistang doktor, dentista at iba pang allied health professionals na buong puso at boluntaryong nag-alay ng kanilang oras para lamang makatulong sa ating mga kababayang mahihirap.

Sinasabing ang nagawa ng Bombo Radyo Philippines para sa Bombo Medico 2019 ay ang pinakamalawak na at pinakamalaking na nagawang Medical, Dental and Optical Missions ng isang media entity sa Pilipinas sa iisang araw lamang sa dami ng natulungan, laki ng halaga na ipinamigay na gamot at ng total amount sa serbisyo at supplies na binahagi sa mga nangangailangan.

tuguegarao medico

Ang simultaneous nationwide medical, optical at dental mission ay isa sa malalaking programa na binuo sa ilalim ng Chairman ng Bombo Radyo Philippines na si Dr. Rogelio M. Florete, para matulungan ang ating mahihirap na mga kababayan at bilang bahagi na rin ng corporate social responsibility. At taun taon, kasama ang President at CEO ng Bombo Radyo Philippines na si Margaret Ruth C. Florete, nagle-level up ang mga proyektong, itinatag ni Dr. Florete upang makatulong sa poorest of the poor in Philippine Society.

Liban sa nabanggit ang iba pang mga proyekto ng Network na isinasagawa ay ang Dugong Bombo tuwing Nobyembre. Ang bloodletting activity ay idinaraos din nang sabay-sabay sa mga Bombo Radyo at Star FM stations nationwide at para naman para sa kultura ay ang Bombo Music Festival tuwing January para po sa mga composers, lyricists at singers ng OPM Music.

hospital wheels
Hospital on Wheels joined Bombo Medico 2019 in Manila

Ang matagumpay na namang Bombo Medico ay dahil sa pakikipagtulungan ng ating mga partners tulad ng Morifer, Filipino Indian Chamber of Commernce Incorporated at ng Department of Health.

Ang 24 mga lugar kung saan sabayang ginanap ang Bombo Medico 2019 ay kinabibilangan ng lungsod ng Maynila, Tuguegarao, Cauayan, Laoag, Vigan, La Union, Dagupan, Baguio, Naga, Legazpi, Bacolod, Iloilo, Roxas, Kalibo, Cebu, Tacloban, Davao, General Santos, Butuan, Koronadal, Cotabato, Dipolog, Cagayan de Oro at Zamboanga City.

Sa ngalan po ng management and staff ng Bombo Radyo Philippines ang taus-puso naming pasasalamat sa ating mga sponsors, doctors, dentists, pharmacists, nurses at medical staff at iba pang mga volunteers na naging bahagi ng Bombo Medico 2019.

koronadal medico 2
Bombo Medico 2019 in Koronadal City
Bombo Medico 2019 Butuan
Bombo Medico 2019 in Butuan City
Bombo Medico 7 1 Cauayan
Bombo Medico 2019 in Cauayan City
medico cebu
Bombo Medico 2019 in Cebu City
medico CDO 1
Bombo Medico 2019 in Cagayan de Oro City
medico legazpi
Bombo Medico 2019 in Legazpi City
tuguegarao medico
Bombo Medico 2019 in Tuguegarao City
manila medico
Bombo Medico 2019 in Manila
medico kalibo
Bombo Medico 2019 in Kalibo
inside hospital in wheels
Surgery inside the Hospital on Wheels