-- Advertisements --

Nasa halos 100,000 na mga oversease Filipino workers (OFW) ang nakapagsumite na ng aplikasyon para sa Abot Kamay ang Pagtulong program ng Department of Labor and Employement (DOLE-AKAP).

Ayon kay Philippine Overseas Labor Office (POLO) labor Attache Felicitas Bay na mayroong 32,253 ang naaprubahan na ng DOLE.

Ang mga naaprubahan ay makakatanggap ng katumbas ng P9,500.

Ang nasabing programa ay inilunsad ng DOLE para sa mga OFW na naapektuhan ng pandemya dulot ng COVID-19.