Ipinag-mamalaki ngayon ng pamahalaang lokal ng Taguig na nasa 98,811 PCR test o nasa 10 porsiyento na sa local population ng siyudad ang sumailalim sa swab test, isa sa mga layunin na nais i-achieved ng siyudad sa katapusan ng taong 2020.
Ito ay dahil sa pinalakas na kampanya ng Taguig government ang pagsasagawa ng agresibong mass testing na bahagi ng kanilang proactive and valuable approaches para mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na virus ang Covid-19.
“The establishment of out own molecular laboratory helped us reach our target of almost 100,000 swab tests by the end of 2020 which is equivalent to 10 percent of our total population,” said Mayor Lino Cayetano.
Siniguro naman ni Taguig City Mayor Lino cayetano na, kahit nakamit na nila ang kanilang target, lalo pang palalakasin ng siyudad ang kanilang PCR tests ng sa gayon maiwasan na kumalat pa ang Covid-19 virus.
“Kailangan maging agresibo sa testing, agresibo sa disease surveillance at agresibo sa pag-iingat para di tayo mahawa at di magkahawaan,” pahayag ni Cayetano.
Binigyang-diin din ni Cayetano na sa kabila ng pagiging mababa ang Covid-19 cases ng Taguig, itutuloy nila ang aggresive campaign sa mass testing.
Sa apat na active cases ng Taguig per 100,000 population ay mas mababa ito sa active cases per 100,000 population na naitala sa Tokyo, Japan (40); Seoul, South Korea (82); and Toronto, Canada (118).
Sinabi ni Cayetano, sa ngayon ang Taguig ay mayroong 10,811 confirmed COVID-19 cases, kung saan 98.16 percent dito o 10,612 ang nakarekober sa virus.
Nasa 1.58 percent naman ang fatality rate ng siyudad sa Covid-19.
“We will keep working hard by keeping our case fatality rate low. Isang buhay ng isang Taguigeño na maisasalba natin sa pagiging maingat, sa pagpoprotekta sa seniors at may comorbidities, ito ay nananatiling pinakamataas na prayoridad natin, to keep our citizens safe,” wika ni Mayor Lino.
Sa kabilang dako, inihayag ng alkalde na kabilang sa kanilang recovery plans ay ang pag roll out ng libreng bakuna para sa kanilang constituents.
Una ng siniguro ng Alkalde sa mga Taguigeños na magkakaroon sila ng libreng Covid-19 vaccine.
Nasa P1 billioon pondo inilaan ng Taguig para sa bakuna.
Inihayag nito na ang unang batch ng vaccine mula sa national government posibleng darating sa buwan ng Marso o Abril.
Habang ang second batch ng vaccine ay posibleng darating sa katapusan ng taong 2021.
“Hindi tayo mahuhuli pagdating sa vaccination,” Mayor Lino said, noting that demos for the inoculation would take place in the city as early as this month.
Pina-alalahanan naman ni Cayetano ang lahat ng mga citizens, constituents, at stakeholders na striktong sundi ang health and safety protocols kahit mayroon ng vaccine na available.