Nananatiling operational ang nasa halos 100 na kanseladong Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs.
Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), nasa kabuuang 402 ang kanseladong POGO hubs base sa listahan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ibinigay noong nakalipas na taon.
Subalit sa kanilang pagmamanman sa mga ito, halos 100 pa dito ang patuloy na nago-operate.
Sa kasalukuyan, tanging nasa 4 na POGO hubs pa lamang ang napasara sa tulong ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation.
Paliwanag ng PAOCC official na inaabot kasi ng 5 linggo para sa case buildup at 2 buwan naman para sa operasyon ng isang POGO hub.
Samantala sinabi naman ni Casio na nakadepende kay PAOCC chairman Executive Sec. Lucas Bersamin kung irerekomenda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang total ban sa POGO sa bansa.
Kung maaalala, una na ring kinalampag ni Senator Risa Hontiveros ang Executive department at liderato ng Senado na agad aksyunan ang rekomendasyon na i-ban na ang POGO sa ating bansa.