-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Isinuko sa mga kasapi ng 603rd Infantry Brigade at 38th Infantry Battalion at sa mga local chief executives ng Maitum, Sarangani Province ang 97 na mga loose firearms sa patuloy na kampanya ng militar sa lalawigan.

Sa pangunguna ni Colonel Eduardo Gubat, commanding officer ng 603rd Infantry Brigade malugod na tinanggap ng AFP ang mga isinukong mga armas na kinabibilangan ng 94 homemade shotguns kasama na ang iba’t-ibang ammunitions, dalawang M79 grenade launchers at isang home-made pistol.

Ang mga nasabing mga armas ay naipon galing sa mga individual na miyembro ng Militiang Bayan ng Platoon West Musa ng Far South Mindanao Region.

Ang operasyon ay ginawa ng pinagsamang pwersa ng mga militar at iba pang mga kasapi ng PNP para masugpo ang paggamit ng mga illegal na armas sa mga lugar na sakop ng nasabing probinsya para sa pagpapanatili ng seguridad at katahimikan ng mga residente.