-- Advertisements --
Tinulongan ng Department of Migrant Workers ang nasa 100 mangingisda na dumulog sa kanilang tanggapan para i-reklamo ang Buwan Tala Manning Inc.
Ayon sa mga mangingisda, hindi sila sinasahuran ng tama kasabay ng hindi regular na oras ng kanilang trabaho at pinapakain pa umano sila ng mga expired o sirang pagkain.
Kinontrata umano sila para magtrabaho sa mga barko sa Indian Ocean pero inabuso sila at ang kanilang karapatan bilang manggagawa.
Agd namang kumilos ang DMW kung saan tinulongan ang mga ito na magsampa ng kaso.
Pagtitiyak ng ahensya, tutulongan ang mga mangingisda na makuha ang kanilang tamang sahod at maaksyunan agad ang kanilang mga hinaing.