-- Advertisements --
Nabigyan na ng honorarium ang halos 100% ng mga poll worker na nagsilbi sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.
Base sa pinakahuling datos ng Commission on Elections (Comelec), 99.45% ng mga nagsilbing electoral boards ang naibigay na ang honorarium. Samantala, 99.50% naman sa mga nagsilbing DepEd supervising officers at 99.33% para sa DepEd support staff.
Patuloy naman ang panawagan ng poll body sa less than one percent na hindi pa nabibigyan ng honorarium na agad makipag-ugnayan sa kanilang election officers para maibigay na ang bayad.