-- Advertisements --
FDg7UW2XsAEqX D

Nasa 99 katao ang kumpirmadong namatay sa pagsabog ng fuel tanker sa kabisera ng Sierra Leone.

Base sa mga lumabas na report, naganap ang pagsabog sa Freetown at mahigit 100 din umano ang sugatan.

Ayon kay deputy health minister Amara Jambai, ang mga biktima raw na nasugatan ay dinala na sa mga ospital at clinics sa lugar.

Lumalabas na mayroong tagas ang fuel tanker na siyang naging dahilan ng pagsabog.

Kabilang sa mga biktima ang mga nag-umpukan para makakuha ng petrolyo sa tumatagas na tanker.

Kasunod nito, nangako naman si Sierra Leones President Julius Maada Bio na tutulungan nila ang lahat ng pamilya ng mga biktima sa malagim na insidente.

“My profound sympathies with families who have lost loved ones and those who have been maimed as a result. My Government will do everything to support affected families,” ani Bio.

Kung maalala, taong 2019 nang sumabog din ang isang fuel tanker sa Tanzania na ikinamatay ng 85 katao.

Kaparehong insidente rin ang kumitil sa buhay ng 50 katao sa Democratic Republic of Congo noong 2018. (Reuters)