-- Advertisements --

DAR ES SALAAM, Tanzania – Umaabot na sa halos 100 ang naitalang patay sa pagsabog ng isang fuel tanker sa Tanzania nitong weekend.

Ayon kay Morogoro Regional Police Commander Wilbrod Mtafungwa, na-recover na ang karamihan sa mga katawan ng mga biktima.

Pero tuloy pa rin umano ang rescue operation para sa mga sugatan sa pangyayari.

Ang pagsabog ay naitala sa Morogoro na may layong 200 kilometro sa kanluran ng Dar es Salaam.

Sa kasalukuyan, inaalam na ang ugat ng naturang pagsabog.