BACOLOD CITY – Inaasahan na lalabas na bukas ang resulta ng surprise drug test na isinagawa sa mga miyembro ng Negros Occidental Police Provincial Office (NOPPO).
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay NOPPO director Police Col. Romeo Baleros, 98 na mga pulis ang isinailalim sa drug test.
Nagulat na lamang ang mga police officers na pinasumite ang mga ito ng specimen matapos ang flag raising ceremony at walang nakaiwas.
Ayon kay Baleros, isa itong paraan upang matiyak na walang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot dahil nangunguna ang mga pulis sa paghuli sa mga drug addicts.
Sa tuwing magpositibo ang pulis ayon sa provincial director, sasampahan ang mga ito ng kaso kriminal at administratibo.
Sumabay din sa surprise drug test ang San Enrique Municipal Police Station at Himamaylan City Police Station.