Kinumpirma ng PNP Internal Affairs Service (IAS) na halos 100 pulis ang sinibak na sa serbisyo dahil sa paggamit ng iligal na droga.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo napirmahan na ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa ang rekumendasyon ng kanilang tanggapan na sibakin sa serbisyo ang 99 na pulis na bumagsak sa confirmatory drug test.
Sinabi ni Triambulo na bukod sa 99 may 40 iba pang pulis ang iri-rekumenda nila sa susunod na linggo kay PNP chief na masibak din sa serbisyo dahil pa rin sa paggamit ng iligal na droga.
Pahayag nito na ang nasabing mga pulis kay kabilang sa 198 pulis na una nang bumagsak sa confirmatory drug test at tumataas pa ang bilang dahil sa patuloy ang mandatory drug test sa PNP.
Nilinaw naman ni Triambulo na pawang mga uniformed personnel ang dinismiss sa serbisyo.
Habang ang mga non-uniformed personnel naman na nagpositibo sa confirmatory test ay nasa ilalim ng DIDM.