Nasa 87 pulis at sundalo na ang nasawi sa inilunsad na anti-illegal drug operations ng PNP habang nasa 226 naman ang sugatan.
Ang nasabing datos ay mula sa period nuong July 1, 2016 hanggang January 17,2017 kung saan kakaupo lamang sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PNP Spokesperson CSupt. John Bulalacao kaniyang sinabi na kung tumataas ang bilang ng casualties sa sa mga drug personalities tumaas din ang casualty figures sa hanay ng mga government forces at nasa 3,984 naman na mga drug personalities
ang nasawi.
Sa datos naman ng PNP mula January 29,2017 hanggang February 8,2018 nakapagsagawa ang PNP ng 3,456 Tokhang activities nationwide, kung saan 1,573 ang mapayapang sumuko, at walang naiulat na namatay.
Sa kabilang dako, nakapagsagawa naman ang PNP ng 4,058 anti-drug operations mula Dec 5, 2017 hanggang Feb 8 ng taong ito.
Sa mga anti-drug operations na ito ay 6,253 drug personalities ang arestado, habang 53 naman ang namatay.
May pinaka maraming nasawi na drug personalities ay mula sa Region 3 na umabot sa 22; Region 12 nasa 12; NCRPO-8; Region 7- 3; Region 10-2; Region 11-2; ARMM-2; Region 4-A-1 at Region 5-1.
Samantala, ipinaliwanag ni Bulalacao na ang mga anti-drug operations ay hiwalay sa tokhang operations dahil ito ay mga law enforcement operations laban sa mga street level drug dealers at high value drug target, hindi tulad ng oplan tokhang na pakikipag-usap lang sa mga drug personalities ang ginagawa.
Dagdag pa ni Bulalacao maingat ang mga pulis sa kanilang mga anti-illegal drug operations subalit hindi talaga naiiwasan na magkakaroon ng fatalities.