-- Advertisements --

Pumalo sa halos 100,000 na pasahero ang naitala sa mga pantalan nitong pagsalubong sa bagong taon.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), natukoy nila ang 48,331 outbound passengers at 51,510 inbound passengers.


Kaya naman, nag-deploy sila ng 2,971 frontline personnel sa 16 PCG Districts.

Nakapag-inspeksyon din sila ng 529 vessels at 906 motorbancas.


Una nang inilagay sa heightened alert ang mga tanggapan na saklaw ng PCG mula pa noong Disyembre 20, 2024.

Iiral ito hanggang Enero 3, 2025 para matiyak na maayos ang buhos ng mga byahero.