Nasa halos 10,000 residente na sa Albay ang inilikas patungo sa mga evacuation centers dahil sa nagpapatuloy na unrest sa bulkang Mayon.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council nasa kabuuang 2,638 mga pamilya o 9,314 indibidwal ang apektado.
Sa 18 mga lungsod at bayan sa Albay na nasa ilalim ng state of calamity, pinayagan ng provincial government ang paggamit ng kanilang quick response funds at pagkontrol sa presyo ng basic goods.
Nitong nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang bulkang Mayon ng multiple rockfall events at volcanic earthquakes kung saan naobserbahan ang crater glow mula sa bulkan.
Kung kayat inirekomenda ang paglikas sa mga residenteng nasa 6km radius permanent danger zone dahil sa panganib ng lava flow, rockfalls at iba pang volcanic hazards.
Nagpadala na rin ang DSWD ng 102,000 family food packs sa Albay sa gitna ng nagpapatuloy na volcanic activity ng bulkang Mayon.