-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang mataas na alerto sa mga pantalan kahit tapos na ang semana santa.

Ayon kay PCG spokesman Capt. Armand Balilo, baka tumagal pa hanggang bukas ang buhos ng mga pasahero dahil hindi ito kakayanin ng isang araw para sa milyong nagbakasyon sa mga lalawigan.

Pinakamarami sa mga naitalang pasahero ay sa Central Visayas na mayroong mahigit 21,000; Western Visayas na may mahigit 19,000 at Southern Tagalog na nasa mahigit 18,000.

Sa kabuuan, halos 115,000 ang outbound passengers nitong nakalipas na mga oras.