Mula sa 12,674 kahapon, nakapagtala ngayong Linggo na 11,681 na bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa.
Sa tala ng Department of Health (DOH) alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 864,868 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.
Iniulat din ng DOH ang 55,204 na bagong recoveries na siyang pinakamataas na bilang sa loob ng isang araw.
Dahil dito, nasa 703,404 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.
Nasa 14,945 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong Linggo ng 201.
Bandang alas-3:00 kaninang hapon nang ianunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque ang pagbaba ng community quarantine classification sa bansa partikular sa tinaguriang NCR Plus..
Simula bukas, April 12, balik sa MECQ (modified enhanced community quarantine) sa Metro Manila at karatig probinsya, na tatagal hanggang sa Abril 30.