-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Aabot na sa halos 11,800 na empleyado sa Cordillera Administrative Region ang nag-apply sa P5,000 financial assistance program ng Department of Labor & Employment (DOLE).

Sa panayam ng Bombo Radyo kay DOLE-Cordillera Regional Director Exequiel Ronie Guzman, sinabi niyang ang mga naturang kawani ay apektado sa sitwasyong nag resulta ng coronavirus disease.

Aniya, nanggaling ang mga empleyado sa 786 na establisyemento sa Cordillera.

Ipinaliwanag ng opisyal na kapag maaprubahan ang lahat ng aplikasyon ay makakapamahagi ang DOLE-Cordillera ng mahigit sa P58-Million na halaga ng tulong pinansyal.

Gayunpaman, inihayag ni Guzman na nagpapatuloy ang aplikasyon ng mga apektadong empleyado.

Posibleng aniyang magsisimula ang pamamahagi ng P5,000 na tulong pinansyal dito sa Cordillera sa Abril Uno.