-- Advertisements --

Pinaigting ang seguridad sa MOA Complex sa Pasay City matapos maagang magsimulang dumami ang mga makikibahagi sa isang malaking event ukol sa panunumpa ng mga bagong abogado ng ating bansa.

Sila ang mga pumasa sa 2024 Bar Examninations na isinapubliko noong Disyembre 2024.

Halos 13,000 ang bumuhos venue sa Pasay City, para sa oath-taking ng halos 4,000 pumasa sa pagsusulit.

Nabatid na dumami ang tao dahil kasama ng mga manunumpa ang kanilang mga pamilya.

Itinutiring ni 2024 Bar examinations committee head SC Associate Justice Mario V. Lopez na isa ang naturang pagdaraos ng pagsusulit sa pinakamatagumpay.

Matatandaang mula sa regular passing rate ay ibinaba ito sa 74% na lamang, kaya nadagdagan pa ng halos 1,000 Bar passers nitong nakaraang taon.