-- Advertisements --
Tinatarget ngayon ng Philippine National Police na madagdagan pa ang bilang ng mga police stations sa Pilipinas.
Ito ay alinsunod sa plano ngayon ng Pambansang Pulisya na magtayo pa ng karagdaganh 127 na mga bagong istasyonbng pulis sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa.
Kung saan nagkakahalaga sa Php1.44-billion na aprubadong pondo ng PNP para sa 2024 ang nakalaan para rito.
Sabi ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., layunin nito na palakasin pa at gawing mas epektibo ang buong hanay ng kapulisan sa paghahatid ng serbisyong pangkapayapaan at kaayusan sa taumbayan.
Naniniwala kasi ang hepe ng Pambansang Pulisya na mas mapapahusay pa ng pagtatayo ng mga dagdag na istasyon ang administratibong sistema ng PNP.