-- Advertisements --

Kalibo Aklan —— May kabuuang 126 na residente o katumbas ng 35 na kabahayan ang nag-evacuate at nagpalipas ng gabi sa evacuation center matapos ang walang tigil na pagbuhos ng ulan sa bayan ng Balete, lalawigan ng Aklan.

Ayon kay Balete Vice Mayor Patrick Lachica, na umabot pa hanggang alas 10:00 ng gabi ang pagsidatingan ng mga residente sa evacuation center na naapektuhan ng pagbaha at landslide.

Samantala, inihayag din nito na walang may nailatang namatay o nasaktan dahil sa epekto ng masamang panahon dulot ng nararanasang Low Pressure Area o LPA, kung saan isa ang probisya sa mga lubos na naapektuhan.

Maliban sa bayan ng Balete, binaha din ang ilang bayan sa Aklan, partikular ang bayan ng Banga, Malinao, Ibajay at Batan.