-- Advertisements --
Tinanggal na ng Commission on Elections (Comelec) ang halos 130 partylist group na nagnanais lumahok sa halalan sa susunod na taon.
Sa Twitter post ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, kabuuang 126 na aplikasyon ang kanilang tinanggal sa listahan.
Mula ito sa 270 groups na naghain ng certificate of nomination at acceptance noong buwan ng Oktubre.
Sa ngayon, kailangan pa raw ng poll body na maglabas ng listahan ng mga grupong natanggal bago ang pag-imprenta ng balota sa buwan ng Disyembre.
Dito rin malalaman ang dahilan kung bakit natanggal ang naturang mga partylist groups sa listahan.
Kung maalala, kada halalan ay kasali ang mga partylist-group sa botohan na magkakaroon ng upuan sa House of Representatives.