Aabot na sa kabuuang 1,367 na mga miyembro at suporter ng New People’s Army ang matagumpay na nanutralisa ng mga tropa ng pamahalaan.
Ang bilang na ito ay naitala ng AFP mula January 1 hanggang August 8 ng kasalukuyang taon.
Sa isang pahayag, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na mula sa naturang bilang ng mga rebeldeng nanutralisa, 1,169 dito ang sumuko sa gobyerno, 101 ang nadakip o naaresto habang 97 ang nasawi mula sa mga ikinasang operasyon ng militar.
Kaugnay nito ay narekober rin ng mga militar ang 751 firearms at 237 anti-personnel mines.
Bukod dito, ibinalita rin ni Padilla na aabot sa 176 miyembro ng local terrorist groups ang matagumpay rin na natrulasia ng gobyerno.
Mula sa naturang bilang, pumalo sa 124 ang sumuko sa mga tropa ng pamahalaan, anim ang naaresto at 46 ang nasawi matapos na manlaban.