Tinatayang maaapektuhan ang kabuuang 139,375 ektarya ng mga palayan sa bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine, batay sa datus na inilabas ng Philippine Rice Information System.
Mula sa halos 140,000 ektarya, 112,184 ektarya dito ay pawang nasa ripening stage na o malapit nang maani, habang 27,191 ektarya ang kasalukuyan pa ring nasa reproductive stage.
Samantala, bago ang pagpasok ng naturang bagyo sa teritoryo ng Pilipinas ay mayroon ng 138,378 ektarya ng mga palayan ang naani na ng mga magsasaka.
Ilan sa mga lugar na may malalawak na palayan na posibleng maapektuhan sa pananalasa ng bagyo ay ang Central Luzon, Cagayan Valley, Ilocos Region, Bicol Region, at iba pa.
Posible namang magbabago pa ang datus depende sa magiging lakas at haba ng pananalasa ng naturang bagyo na may potensyal na maging isang supertyphoon.