-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang inalam ng mga tauhan ng Bislig City Central Fire Station ang kabuu-ang danyos na hatid ng malaking sunog na syang gumising sa mga tao kaninang alas-singko ng umaga sa Andres Soriano Ave., St. Paul District, Brgy. Mangagoy, Bislig City, lalawigan ng Surigao del Sur.

Ayon kay FO3 Arlone Ree Antonio, pito sa walong kabahayan ang totally-burnt at isa ang partially-burnt habang anim na mga establisamiento naman ang na-abo.

Dumating ang fire truck ng lungsod dakong alas-5:14 at nakontrola ang apoy pasado alas-6:20 ng umaga kung saan isang fire volunteer ang dinala sa ospital matapos masugatan sa ulo.