-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Tuluyan nang sumuko sa mga otoridad ang mga myembro ng rebeldeng New People’s Army o NPA na nakasagupa ng mga otoridad sa probinsya ng South Cotabato.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Col Jones Otida, Batallion Commander ng 27 IB Philippine Army, ipinahayag nito na galing sa bayan ng Lake Sebu, Tampakan, Tboli at Surallah ang sumukong 13 myembro ngs NPA.

Ayon kay Otida, agad na iprenesinta kay South Cotabato Gov Reynaldo Tamayo Jr. ang nasabing mga NPA kung saan isinuko din ng mga ito ang kanilang armas, eksplosibo at mangin ang mga tshirts na may tatak Partido komunista ng Pilipinas.

Samantalana, ipinahayag naman ng team leader ng grupo na si Alyas Boy na ipinalalaban nila ang kanilang ancestral domain na inagaw di umano ng mga Kristyano subalit dahil sa sobrang pagod at gutom, nagdesisyon ang mga ito na bumalik sa hanay ng gobyerno.

Napag-alaman na ang nasabing NPA Surrenderees ang nakasagupa ng 27IB sa Sitio Pangi, Brgy Lunen, Tupi, South Cotabato, 1 bwan na ang nakalipas kung saan isang NPA ang namatay.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng validation ang PNP at AFP para sa pagsasailam sa mga ito sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.