Pumalo na raw sa 164,672 mga magsasaka sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa ang apektado sa nararanasang tagtuyot.
Ito ay batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Base sa kanilang monitoring, ang mga magsasakang lubhang apektado ng El Niño ay mula sa mga rehiyon ng Cordillera Administrative Region; Ilocos Region; Cagayan Valley; Central Luzon; Calabarzon; Mimaropa; Bicol; Western Visayas; Eastern Visayas; Zamboanga Peninsula; Northern Mindanao; Davao Region; Soccsksargen at Bangsamoro Automous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Iniulat din ng NDRRMC na tinatayang mahigit P5-milyong halaga ng mga pananim ang nasira dahil sa nararanasang tagtuyot.
Karamihan din daw sa mga nasirang pananim ay sa Region 2 kung saan umabot na sa mahigit 76 na ektarya ng sakahan ang natuyo.