-- Advertisements --
image 140

Inihayag ng DENR na 16.55 percent lamang, o 662 sa humigit-kumulang 4,000 na negosyo na nakarehistro sa Department of Trade and Industry, ang nakapagsumite ng kanilang mga programa para sa maayos na pamamahala ng basura sa plastic packaging.

Batay sa datos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) 508 sa 662 na negosyo ay mga producer responsibility organization, mga entity na nagsasagawa ng packaging waste recycling at mga micro, small, at medium-sized na negosyo.

Ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones, sila ay umaapela sa suporta mula sa mga pribadong sektor at mga kasosyo sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa pagpapatupad ng Extended Producer Responsibility.

Ito ay ang Republic Act No. 11898 para sa mga negosyo na ma-manage ang kanilang mga basurang plastic packaging.

Sinabi ni Leones na ang pribadong sektor ay maaaring makatulong sa pagbuo ng isang roadmap na pinangungunahan ng industriya sa pamamahala ng marine litter at pagtatatag ng isang national network upang isulong ang recycling.

Aniya, ang mga industriya ay maaari ding magsulong ng Extended Producer Responsibility sustainability collaboration at suportahan ang pananaliksik at pagpapaunlad sa mga produkto na hindi katanggap-tanggap sa kapaligiran.

Una na rito, ang DENR ay nakipagtulungan sa United Nations Development Programme para sa isang nationwide campaign na tinatawag na LOOPFORWARD na kung saan ito ay magbibigay-diin sa kaugnayan ng konsepto at batas ng Extended Producer Responsibility na mangalap ng mga insight mula sa mga stakeholders at iba pang kumpanya.