Dinala na sa Metro Manila ang halos 170 foreign worker ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub na sinalakay kamakailan sa Cebu.
Nagtulungan ang Philippine Air Force at ang Presidential Anti-Organized Crime Commission para ibiyahe ang mga ito patungo sa Manila gamit ang dalawang C-130 aircraft.
Tumulak ang grupo mula sa Brigadier General Benito Ebuen Air Base sa Lapu-Lapu City at dumeretso sa Colonel Jesus Villamor Air Base sa Pasay City.
Ang mga ito ay binubuo ng 83 Chinese, 70 Indonesian, 2 Taiwanese, 6 Burmese, at 1 Malaysian, kasama na ang limang mga Pinoy.
Unang nagsagawa ng pagsalakay ang PAOCC at mga law enforcer nitong nakalipas na lingo sa Lapu-Lapu City kung saan na-rescue ang mga foreign national at ilang mga Pinoy worker sa naturang POGO hub.
Ayon naman sa PAOCC, una na rin itong nakatanggap ng request mula sa Indonessian Embassy na i-rescue ang walong Indonesian worker na umano’y nagtatrabaho sa naturang pasilidad.
Ang naturang hub ay tinukoy bilang Tourist Garden Hotel sa Barangay Agus.