Iniulat ngayon ng Philippine National Police (PNP) na nasa 1,699 PNP medical frontliners na ang nabigyan ng Covid-19 vaccine.
Ayon kay PNP OIC chief Lt.Gen. Guillermo Eleazar nasa 1,845 na mga PNP medical frontliners ang nagpa rehistro sa vaccination program subalit nasa 1,699 lamang ang nabakunahan.
Ayon kay Eleazar sa bilang ng mga nabakunahan, nasa 30 medical frontliners lamang ang nakaranas ng minor adverse reactions sa bakuna na agad namang nawala at hindi nalagay sa peligro ang mga nasabing police personnel.
Sinabi ni Eleazar nasa 1,632 na mga PNP medical frontliners dito sa Metro Manila at sa ibang police regional offices ang nabakunahan ng Chinese vaccine na Sinovac habang ang 67 ay nabakunahan ng AstraZeneca vaccine kung saan 700 doses ang ibinigay ng pamahalaan para sa PNP.
Una ng nakatanggang ng 1,200 Sinovac vaccine ang PNP mula sa 600,000 vaccines na ibinigay ng Chinese government sa Pilipinas.