-- Advertisements --

Pumalo na ngayon sa 177,929 ang naitalang lumabag sa Local Ordinances sa kalakhang Maynila.

Ayon kay NCRPO chief PDir. Guillermo Eleazar, ang nasabing datos ay mula sa period nuong June 13,2018 hanggang alas-5:00 ng umaga ng August 26,2018.

Sinabi ni Eleazar na batay sa kanilang datos ang Drinking in Public Places umakyat na sa 11,750.

Smoking ban – 63,093

Half naked – 17,130

Minors violating curfew hrs – 16,871.

Habang ang mga lumabag sa iba pang mga ordinances ay nasa 69,085.

Inihayag pa ni Eleazar na sa nasabing bilang na mga violators, 122,344 ang binigyan ng warning ng PNP.

Habang ang mga pinagmulta ay nasa 19,917.

Dagdag pa ng heneral na sa ngayon 22 na lamang ang nananatili sa kustodiya ng PNP partikular sa area ng Southern Police District (SPD).