-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Nakauwi na ng Pilipinas ang halos 180 na OFWs mula Thailand na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Sa ulat ni Bombo international correspondent Derick Don Sumingwa, sinabi niyang isinailalim sa repatriation program ang mga naturang OFWs na nawalan ng trabaho sa Thailand.
Aniya, sa kanyang panayam sa mga nakauwing Pinoy ay lubos ang pasasalamat ng mga ito sa tulong na ipinagkaloob ng pamahalaan ng Pilipinas at Thailand para sila’y makauwi nang ligtas.
Sa ngayon ay sumasailalim na sa 14-day mandatory quarantine ang mga OFWs na nanggaling sa Thailand.