Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang hanggang 977,560 na kabuuang family food packs para sa mga biktima ng malawakang pagbaha sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon mga ito ay dinala sa iba’t-ibang mga regional offfice ng ahensiya upang maipamigay sa mga residente.
Binubuo ito ng 422,116 na FFPs na ipinadala sa Central Luzon(Region 3). Ang naturang rehiyon ay tumanggap ng pinakamalaking bulto ng mga food pack.
Ang ibang bulto nito ay dinala sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, habang malaking bulto rin ang dinala sa mga warehouse ng ahensiya sa National Capital Region (NCR).
Pagtitiyak ng ahensiya, magpapatuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa mga lokal na pamahalaan upang masiguro ang agarang pagbibigay sa mga naturang tulong.
Batay sa tala ng ahensiya, nananatili pa rin sa mga evacuation center ang hanggang 14,000 na pamilya. Ito ay binubuo ng hanggang 53, 691 na katao.
Nananatili namang bukas ang hanggang 300 na evacuation center sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at pansamantalang tinutuluyan ng mga biktima.
Una nang iniulat ng pamahalaan ang mahigit isang milyong naapektuhan sa malawakang pagbaha nitong nakalipas na linggo.