Mahigit sa 2.5 million mga Pinoy ang nabakunahan sa unang araw ng national vaccine drive kontra COVID-19.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, hindi pa ito ang opisyal na bilang.
Target ng gobyerno ang pagbabakuna ng tatlong milyong indibidwal araw-araw sa 3-day vaccination drive.
Sinabi ni Año na kontento na ang gobyerno sa mga dumalo sa nationwide vaccine drive.
Nakontrol daw kasi ng local government units at kapulisan kasama ang iba pang ahensiya ang mga lugar na may bakunahan.
Sa ulat naman ni National Vaccine Operations Center chairperson at DOH Usec. Myrna Cabotaje umaabot sa kabuuang 2,554,023 doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok kahapon.
Samantala, upang ganap na mabakunahan ang hindi bababa sa 54 milyon sa pagtatapos ng taon, isa pang binagong target mula sa unang 77 milyong indibidwal.
Sinabi ng mga otoridad na magkakaroon ng isa pang 3-araw na pagbabakuna na itinakda mula Disyembre 15 hanggang Disyembre 17.