CAUAYAN CITY- Matinding pagsubok ang kinakaharap ngayon ng mga fire fighters sa nagaganap na malaking wild fire sa Northern California, United States of America.
Sa naging pag-uulat ni Bombo International Correspondent Lorie-Ann Rigodon, nagsimula ang wilf fire sa Sunny Drill Lassen County sa Sierra Nevada Logging and mining town.
Ang Monstrous Dixie Fire ay may lawak na 80 square miles o at 12.8 square kilometer ang napinsala na Susanville at mahigit 18,000 katao na ang naapektuhan.
Mahigit 1,100 na gusali at 630 na bahay ang natupok na ng apoy.
Mahigit 1,200 na bayan naman ang naapektuhan ng malaking wild fire.
Karamihan ng mga bahay sa Grizzly Flats at mga poste ng kuryente ay natupok na ng apoy at mahigit 2,500 na residente at apektado ng wild fires ang dinala sa mga evacuation centers.
Nahihirapan ngayon ang mga fire fighters na apulain ang wild fire dahil sa malakas ang hangin at napakainit na lagay ng panahon
Samantala, Ayon sa National Fire Interagency Center, mayroong 24 na sunog ang inaapula ngayon sa Montana, limampong sunog naman si Idaho, Washington at Oregon.
Matindi ang nararasang init ng panahon ngayon Amerika na nagsasanhi ng sunog.
Samantala, Malaki na ang pinsalang dulot ng wildfires na nagsimula noong Sabado at hinihinalang nagsimula sa camping ground sa Caldor, malapit sa Sacramento, California.
May mga naiiwan na camp fires na pinagmumulan ng malalaking sunog ngunit hindi pa tiyak kung ito ang pinagmulan ng malawakang sunog sa Caldor, California.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Jon Melegrito, news editor ng isang pahayagan sa Washington DC na malakas ang hangin kaya mabilis na kumalat ang apoy.
Lumikas na ang mga tao at maraming gusali na ang nasunog at patuloy ang pag-apula sa forest fires ng umaabot sa10,000 bumbero at national guard.
Matagal nang walang ulan sa California kaya tuyot ang mga kagubatan at pati ilog ay nawawalan na ng tubig dulot ng Climate Change.
Gumagamit na rin ang mga otoridad ng fire suppressants na ibinubuhos ng mga eroplano.